Kahit na mawala ako wala namang magbabago diba???
"still the same paring ang love story nating dalawa.........."
kailan ba nagbago ang standing ko sayo??? kailan ba nadagdagan ang feelings mo para saakin? diba hanggang last name lang ang tawag mo saakin. kahit makita man o hindi, ganun parin ang tingin mo para saakin.. saan ba banda nangaliwa ang nararamdaman ko para saiyo, at bakit di mo dama ang sakit ng pagmamahal ko saiyo! kaya kong isacrifice lahat para lang tanggapin mo itong feelings ko saiyo! nangdahil saiyo, marami na akong pagkakataong nasayang para maging tao! pero sa bandang huli pinili ko maging katawa-tawa sa harapan mo para lang ba makita kitang masaya. oh, hala sa tono ng pananalita ko ee, para akong manununtok ng tao! hahaha, ganito ba talaga pag sobra sobra ang pagkainlove sa taong di kayang mahalin ka katulad ng matinding pagmamahal na binabato sakanya?
ano ba talaga ako para saiyo? isang clown na kakausapin mo kasi nakakaloko ang kwento at patawa o isang babae na kaya mo tinatawag dahil may nararamdaman ka rin para sakanya? gusto kong malaman.. pero wala naman akong pinagpipilitan, kung mamahalin mo ako edi okay pero kung hindi, edi time to move on, and go boy hunting. hahaha. masakit sakin pag tuwing nagigising ako sa umaga at umaasa agad na may magandang pangyayari pero sa bandang huli wala ding nangyari puro hinanakit lang at disappointment. masaya ako kasi kahit papaano iba turing mo saakin, kesa sa iba, pero hanggang dun nalang ba talaga tingin mo para saakin? di na ba talaga magbabago kahit konti?
o sige, i'll try to step my feet forward na, no more games at hulaan. kasi wala din namang magbabago. hahahaha. sayang, nung una palang... alam ko na... matindi ang mararamdaman ko para saiyo, ngayon lang ako naniwala sa LOVE at FIRST SIGHT...
Masyado akong naniwala sa wala. di na dapat pinatagal pa. kung naintindihan ko lang sana nung una pa... di na to hahantong sa sayangan ng LUHA....

0 comments on "Before i know..."
Post a Comment